Mga Sangkap:
1 pirasong pipino 450 gramong pusit
kaunting karot 1 kutsaritang tinadtad na luya
1 kutsaritang tinadtad na sibuyas
Pambabad:
1/2 kutsaritang asin 1 kutsaritang asukal
1 kutsaritang arina kaunting paminta
Panimpla:
1 kutsaritang arina 1/2 kutsaritang asukal
1/2 kutsaritang asin 2 kutsaritang tubig
Paraan ng Pagluluto
1. Balatan ang pipino at lagyan ng 1/2 kutsaritang asin, hugasan at patiktikin.
2. Hugasan ang pusit at ibabad ng 5 minuto at pakuluin sa mainit na tubig hanggang maluto.
3. Mag-init ng kaunting mantika, igisa ang luya at sibuyas, ihalo ang pipino, karot at pusit. Ihalo ang panimpla at Ihanda.
|