1. | Ibabad ang scallop, tuyong hipon at pusit sa isang tasang tubig ng isang oras hanggang lumambot. Itabi ang tubig. Patiktikin. Gayatin ang scallop at hiwain ang pusit ng pira piraso. |
2. | Ibabad ang kabute sa isang tasang tubig ng 30 minuto hanggang lumambot at patiktikin. Itabi ang tubig. Hiwain ang manipis nipis. | 3. | Hugasan ang bigas at ibabad ng 30 minuto. Patiktikin maigi. |
4. | Ilagay ang 2 tasang pambabad na tubig sa kaserola at ihalo ang panimpla, pakuluin sa malakas na apoy. Ilagay ang bigas at iluto sa katamtamang apoy hanggang matuyo ang tubig. Pag Makitang malaki na butas sa kanin, Ilagay sa ibabaw ang mga sangkap at iluto ng 8 minuto na may takip sa mahinang apoy. Ihain. |